Wednesday, July 9, 2008

Pusong Lito

Pusong Lito

pusong lito talaga ang pakiramdam ko ngayon, 'di ko kasi nakita ang crush ko at medyo napapalapit naman ako sa isa ko pang crush. grabe... ba't ba ganito ang pakiramdam ko? sana naman makatulog ako ng maaga mamaya! kasi naman pati iyong close friend ko, may conflict kami simula kaninang umaga pa. gusto syempre na sana magkabati na kami pero parang 'di pa rin ako handa. well, time heals all wounds nga 'di ba? i know magkakabati rin kaming dalawa. sana bukas okay na sa amin pareho at sana 'di na rin magkaganito ang puso kong lito!


Sunday, July 6, 2008

Only Hope

only hope!

hay... monday na naman bukas! may klase at makakatabi uli kita. well, wala namang masama doon. sa totoo nga masaya ako tuwing magkatabi tayo at nagkukwentuhan. pero iba na ngayon dahil 'di na tayo nagkaka-usap tulad ng dati. ano bang problema? dahil kung ako ang tatanungin, 'di ko talaga alam. bigla- bigla na lang 'di na tayo nagkikibuan. sana maging tulad na uli ng dati na lagi tayong masaya. sana kausapin mo na ako at kulitin dahil miss na miss ko na ang mga jokes mo at lalung- lalo ka na, ang buong ikaw! kung alam mo lang sana kung gaano ako nasasaktan sa mga nangyayari sa atin ngayon. tuwing katabi kita iniisip ko na sana kausapin mo na bigla ako at okay na tayo. kung alam mo lang din kung gaano ko gustong malaman ang tunay mong nararamdaman. at sana gusto mo rin ako tulad ng pagkakagusto ko sa 'yo. pero kung hindi naman, handa akong tanggapin. kahit papaano alam ko at 'di na ako aasa pa.

sana alam mong para sa 'yo 'to!

Saturday, July 5, 2008

tira-tira!

tira-tira!

grabe, saya ko talaga ngayon! first time ko mag- C.A.T. this morning and i enjoyed a lot... tapos now i'm spending time with friends of mine. sana hanggang mamaya masaya ako. pero nasa sa akin naman iyon kung gusto ko maging masaya 'di ba? pero minsan hirap talaga magpanggap na masaya ka kung deep inside nasasaktan ka. lalo na kung ang nakakasakit sa iyo ay walang kamalay- malay na nasasaktan ka na dahil lang sa kanya... at kung malaman man niya ano naman sa kanya?

Wednesday, June 25, 2008

ooh lala!

ohh lala! nakaka-crazy talaga this day... but still i'm glad for so many things that happened to me today whether i find them positive or negative. it's how you look at them naman 'di ba? i've got nothing to say na, sige byebye for now. but wait! before i go, i'm gonna leave this message:


joy is a daily choice; not a future hope...